This part of my life is called SADNESS.
Ano ang gagawin mo kapag wala kang makausap, ung tipong namemorize mo na ang lahat ng messages sa inbox mo pati punctuation mark dahil paulit-ulit mo nang binasa lahat? Ano ang gagawin mo kapag inip na inip ka na, ung tipong pabalik-balik ka na sa lahat ng channel sa TV dahil ang tagal magsimula ng iniintay mong palabas para lang kahit paano ay umusad ang oras at maging kinabukasan na agad? Ano ang gagawin mo kapag tamad na tamad ka kumain dahil mag-isa ka lang, ung tipong kelangan mo na lang isubo lahat nang sunod-sunod para lang maubos na ang pagkain at maramdaman mong nabusog ka na? Ano ang gagawin mo kapag may iniintay kang text message, ung tipong kahit kanino na lang galing para lang tumunog ang cellphone mo at mawala ang sadness mo? O ayan na, tumunog na ang cellphone ko galing sa isang nagngangalang GLOBE. May free ringtone daw ako. What the F...ISH! The least that I need now is a free ringtone. Pero okay na din, at least tumunog ang cellphone ko.
This part of my life is called SADNESS. =(
munimuninileyni
Friday, August 13, 2010
Monday, August 9, 2010
preface
Ang blag or blog or blug na ito ay ginawa upang may mapagbuhusan ng masasayang pakiramdam (bilang ako ay likas na madaldal at hindi mai-contain ang kasiyahan sa aking sarili) at malulungkot na pakiramdam (kapag ang dyowa ko ay busy at nasusuka na MINSAN sa mga kaartehan ko o kaya naman walang load ang mga kaibigan ko). Patnubay ng mga sobrang matatandang guardian o kaya mga magulang ay kailangan.
Subscribe to:
Posts (Atom)